Si Momi Sabel, Kapusong Totoo Poem by perfecto pacheco

Si Momi Sabel, Kapusong Totoo

Unang tagpo pa lamang, ngiti ang bumungad
Pagtanggap sa akin, Liyamadong ihahantulad
Kaya naman ako sa kanya, ay nagpakitang gilas
Katumbas ng isang anak, katapatan pinamalas

Nang kanyang kabataan, kampeon sa kagandahan
Animo ay diyosa, sa tondo din nangarap
Ang maginoong Rodrigo, di na ipinagpabukas
Batalyon sa Mapua, ay kanyang ikinalat

Paglingap sa pamilya, wala nang tatapat
Titiisin ang lahat, kapag anak ang nangusap
Pagmamahal sa asawa, pinakita niyang wagas
Sinamahan sa Hamburg, dun sila namukadkad

Pagtulong sa kapwa, tiyak na babaha
Lambot ng kanyang puso, sadyang nasa lahi na nga
Maging maingat lamang, sa naniningalang kapwa
Sana sa karapat dapat, at di sa nagbabale-wala

Pagmamahal sa diyos, sa kanya'y pinagpala
Pagtulong niyang tunay, sadyang di na makakaila
Likas na sa kanya, ang mahabag at maawa
Tanging mithiin lamang, ay mabuhay ng mapayapa

Si momi Sabel ang, siyang tinutukoy ko
Na nag-alaga at nagluwal sa, pinakamamahal ko
Salamat sa maykapal, ikaw ang biyenan ko
Mamahalin ka namin, yan ang pangako ko

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success