Takipsilim Sa Umaga Poem by Zie Marquez

Takipsilim Sa Umaga

Ikaw ang sa ami’y nagbigay buhay
Pumapawi ng alinlanga’t lumbay
Ikaw ang sa ami’y nagpapakasakit
Mula sa mundong sadyang napakalupit

Lubos kung ikaw ay mangarap
Sa amin na pamilya mo ay napakasarap
Sa tagumpay namin, ikaw ay umasa
Inaakalang kinabukasan ay magigisnan pa

Ngunit isang takipsilim sa umaga ang dumating
Ika’y kinuha mula sa aming piling
Paghihinagpis ng kalooban ay hindi naiwasan
Pagkat damdamin namin ay lubos na nasugatan

Sa puso namin ay palaging idadambana
Pagmamahal namin ay hindi mawawala
Dahil kahit kinuha ka man Niya sa amin
Ika’y patuloy parin naming mamahalin

Kung kabutihan mo’y limot na ng madla
At mga buhay namin ay Kanya ng kinukuha
Aming ipagdarasal na muling mahimbing
Doon sa paraiso ika’y muling makapiling

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success