Tulog Lang Poem by Marites C. Cayetano

Tulog Lang

Tulog lang
tulog lang ng tulog
masarap ang matulog
lalo't nasa gitna
ng isang magandang panaginip.

Tulog lang
tulog lang ng tulog
hayaan mo nang laway ay tumulo
hindi mo naman yata nakalimutan
ang magtutbras kagabi.

Tulog lang
tulog lang ng tulog
huwag ka lang magrereklamo
pag nagising kang
ubos na ang kanin.

Monday, September 26, 2016
Topic(s) of this poem: sleep
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success