Ulan Sa Buhay Poem by Catherine Agunat

Ulan Sa Buhay

Pagdating nito kung minsan ay sabay-sabay
Na sa pagbuhos ay tila wala nang humpay
Pag labis na dibdibi'y nakakarindi't makakalumbay
Kaliwa't kanan, likura't harapan
Sa dami'y hindi na mawari pasimuno't pinagmumulan.

Tingin ng ibang taong dumaranas
Sila'y sinumpa kaya sa buhay minamalas
Sulirani'y ayaw harapin, damdami'y nagpupumiglas
Hanggang sila'y magiging manhid at puso'y nanigas
Na sa kalauna'y, asal ay mapanibugho't marahas.

Meron ding nagsasabi, sila'y ayos lang
Kabilaan man pagsubok na dinadaanan
Sila pa ri'y nakangiti't sa kapwa'y nakikipagtawanan
Subalit isang araw, sa balita ika'y magugulantang
Si Tarpolanong 'okey lang' pumanaw na't

Ulan sa buhay di na raw nakayanan.
Kung mga ulan sa buhay, ikay nabibigatan
Mga problema't pasani'y dina makayanan
Kay Jesus manalig at ika'y tutulungan
Magtiwa lang sa kanya't di ka pababayaan.

Sa Kanyang mga bisig at kamay
Ika'y magiging matatag at matibay
Tulad ng agila, di mapapagod sa paglipad at pagkampay
Ulan man sa buhay sa pagbuhos wala nang humpay
Hatid ma'y baha, ika'y di matatangay.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success