Ulan Poem by Marites C. Cayetano

Ulan

Ulan, ulan
bumuhos ka ulan
hayaan mong
magtampisaw sa galak
silang mga batang
kamusmusa'y
di rin magtatagal.

Ulan, ulan
bumuhos ka ulan
hayaan mong
lunurin ng kanilang luha
ang mga puso nilang
sawi sa pag-ibig.

Ulan, ulan
bumuhos ka ulan
hayaan mong
pag-isahin nilang
mga bagong magsing-irog
ang nag-aalab na mga puso.

Ulan, ulan
bumuhos ka ulan
at itago
sa iyong mga patak
itong luha
sa aking mga mata.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success