'You Are My, Could'Ve Been, Should'Ve Been, But Never Was And Never Will Be...' Poem by rhona fabi

'You Are My, Could'Ve Been, Should'Ve Been, But Never Was And Never Will Be...'

'Di ka business,
pero nag-invest ako sayo,
'Di ka rin basket,
kaya di mo ako sinalo.

Puro ka kasi promise,
umasa naman ako.
Kung bakit ka kasi lumapit?
Na-entertain tuloy ako.

Hinayaan ko nalang sana,
kaya lang tumuloy padin ako.
'Di ka naman nag-aya,
pero pumasok parin ako.

Akala ko isip ko lang,
'Yun pala ang puso ko rin.
Utak ko lang naman ang naka-hung,
puso ko lang din ang bitin.

Ok na sana ang lahat,
kung 'di mo lang ako tinulak.
Ang 'di sa iba ipinag-kalat,
sa puso ko sinalaksak.

Nag-invest nga ako,
nasayang naman.
Ang akala kong lalago,
nawalan ng laman.

Ang pangalan nyang 'yun,
'di ko talaga malimutan.
Subok ba namang ipabasa sakin,
sa font na talagang nilakihan.

Wala lang yun sa una,
paki ko ba sa kanya?
Pero nung nabasa ko na'ng message mo sa kanya,
aba, takte talaga!

Kung sya na talaga napili mo,
edi sya na, para sa'yo.
'Di ko man mabawi'ng mga investments ko,
sige lang, kung talagang kayo.

Sya na nga siguro 'yon,
ang bagong pag-asa mo.
Ikaw man ang pag-asa ko ngayon,
mas dapat sigurong mag-move na ako.

Grabe, 'di ko lang masabi sa'yo,
nakaka-bwisit ka, sinaktan mo ako!
Kung pwede lang akong gumanti sayo,
kaya lang ayaw ko rin masaktan ka gaya ko.

'Asan na yung sinabi mong:
'I'm here na, 'di kana malulungkot'
Takte ka, ganda ng message mo,
sarap ilagay sa supot!

'Asan na 'yong sinabi mong:
'Di kita pababayaan',
Lahat ba talagang 'yon,
para sa 'yo wala lang?

Sana man lang masaya ka sa kanya,
yung tipong wala ka ng hihilingin pa.
Kasi pag ikaw sinaktan nya,
ewan ko lang kung mahal ka nyang talaga.

Kung magising ka man sa huli,
malamang maiisip mo ako.
Magigising din ako kasabay mo,
na limot na'ng lahat ang feelings ko sa'yo.

Lumilipas na ang panahon,
umaasa akong makakalimutan ka na.
Isipin ko man kung pa'no,
nakakaloko lang dahil nakakausap pa kita.

Sana 'wag mo nalang palakasin ang loob ko,
kasi wala ka rin namang gagawin kundi paasahin ako.
Sana aminin mo na sya akin,
'yun lang naman ang hinihintay ko.

Sakaling dumating na ang araw na 'yon,
na aminin mo sa akin'g sya na nga iyon.
Umasa kang kahit masakit,
di na ko magpipilit, tatanggapin ko 'yon.

Malalaman ko rin naman kalaunan,
kung bakit dapat kitang pakawalan,
Naisip ko rin naman,
'di ka nga magiging akin, kahit minsan.

Sa mga panahon na 'to,
'di mo parin alam na ikaw ang gusto ko.
O kaya naman, alam mo na 'to,
kaya lang 'di talaga ako ang gusto mo.

Kung alam mo lang minsan ang iniisip ko,
walang ibang ini-imagine kung 'di maging 'tayo'.
Yung bukas na babalik ka at hahanapin mo ako,
at dun mo sasabihin na ako ang gusto mo.

'Yung ini-imagine ko ibang level pala,
'yon pala yung bagay na sa panaginip lang makikita.
Yung tipong masayang-masaya kana,
tapos magigising kang panaginip lang pala.

Kung alam mo lang kung ga'no ako kasaya'ng kausap ka,
kahit malayo ka, puno ako ng pag-asa.
Pero 'di sa t'wing mababasa ko ang message mo sa kanya,
na parang harapan mong sinabi'ng 'sa kanya ako masaya'.

Minsan pa, gusto ko nang aminin sa'yo,
natatakot lang na baka itaboy mo.
O baka maawa ka lang at sabihing:
'Mahal kita bilang kaibigan ko'.

Pipilitin ko nalang maging masaya para sa'yo,
at suportahan ka sa lahat ng gusto mo.
Pero wag kang umasa na magiging masaya ako na maging 'kayo',
Ayaw ko kasing lokohin ang sarili ko.

Darating din naman,
ang time na mababasa mo ito,
Alam kong di ka talaga manhid
kaya alam mong ikaw ang tinutukoy ko.

Hayaan mo,
'di naman ako maghahabol sa'yo,
Pero kung mahal mo padin ako,
'di na kita papakawalan, promise ko sa'yo!


Copyright © 2011 by Ronalyn 'Aoi' T. Fabi
(An original poem written on the 21st of July 2011, at 8: 11pm.)

(This literary piece is govern with the rights of the author. Anyone who wants to use this poem should first ask the author or contact at reiyuucy_26@yahoo.com)

POET'S NOTES ABOUT THE POEM
This piece was first published in my Facebook account. Follow this link http: //www.facebook.com/notes/aoi-fabi/youre-my-shouldve-been-couldve-been-but-never-was-and-never-will-be/10150733218305553
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
rhona fabi

rhona fabi

antipolo city
Close
Error Success