Taritz Geronimo

Taritz Geronimo Poems

Ang mga kalalakihang iyon ay naroon na sa loob,
Nang siya ay pumasok nang walang suot.
Sila’y umiinom: nagsimula silang dumura.
Kagagaling lamang sa ilog, wala siyang alam.
...

HUWAG KANG LUMAYO, KAHIT NA ISANG ARAW LANG
Huwag kang lumayo, kahit na isang araw lang, sapagkat –
sapagkat – Hindi ko alam kung paano ito sabihin: ang isang araw ay matagal
at maghihintay ako sa iyo, tulad ng isang hungkag na himpilan
...

Ngayong gabi ay maisusulat ko ang pinakamalulungkot na linya

Isulat, halimbawa, ‘Ang gabi ay napapalamutian ng mga tala
At ang asul na bituin ay nanginginig sa kalayuan.’
...

Gusto kong malaman mo
Ang isang bagay.

Alam mo kung paano ito:
...

Anong mali sa ‘yo, sa atin,
Anong nangyayari sa atin?
Ah ang ating pag-ibig ay magaspang na lubid
Na nagbubuklod sa atin sumusugat sa atin
...

Paghilig sa takipsilim ipinupukol ko ang aking mapanglaw na mga lambat
Patungo sa iyong maladalampasigang mga mata.

Doon sa pinakamataas na liyab ang aking kalungkutan ay humahaba at ang mga apoy,
...

At sapagkat ang pag-ibig ay nagtutunggali
Hindi lamang sa kanyang nasusunog na kabukiran
Ngunit maging sa bibig ng kalalakihan at kababaihan,
Magtatapos ako sa pamamagitan ng pagtatanggal ng landas
...

Ang alaala mo ay lumilitaw mula sa gabi sa aking paligid.
Hinahalubilo ng ilog ang kanyang di-matinag na panaghoy sa dagat.

Nilisan gaya ng mga pantalan sa madaling-araw.
...

Sabihin mo sa akin, ang rosas ba ay nakahubad
O tanging iyon lamang ang kanyang kasuotan?

Bakit itinatago ng mga puno
...

Hindi kita mahal bukod sa dahil mahal kita,
Umuusad ako mula pagmamahal sa ‘yo patungo sa hindi pagmamahal sa iyo,
Mula sa paghihintay patungo sa hindi paghihintay sa iyo
Ang puso ko’y naglalakbay mula lamig patungong apoy.
...

The Best Poem Of Taritz Geronimo

Pabula Ng Sirena At Ng Mga Lasing

Ang mga kalalakihang iyon ay naroon na sa loob,
Nang siya ay pumasok nang walang suot.
Sila’y umiinom: nagsimula silang dumura.
Kagagaling lamang sa ilog, wala siyang alam.
Isa siyang sirenang naligaw.
Ang mga pangungutya ay dumaloy sa kanyang nangingintab na katawan.
Nilunod ng kahalayan ang kanyang ginintuang dibdib.
Hindi niya batid ang luha, hindi siya tumangis ng luha.
Hindi niya batid ang kasuotan, wala siyang kasuotan.
Siya ay pinaso nila ng nagbabagang tapon at upos ng sigarilyo,
At nagpagulung-gulong sa katatawa sa sahig ng taberna.
Hindi siya nagsalita dahil wala siyang pananalita.
Ang mga mata niya ay kulay ng malayong pag-ibig,
Ang kanyang kambal na bisig ay gawa sa puting topasiyo.
Ang kanyang mga labi ay kumibot, tahimik, sa liwanag ng koral,
At kagyat siyang lumabas sa pinto.
Paglusong sa ilog siya ay nahugasan,
Kumikinang na gaya ng puting bato sa ulanan,
At muli siyang lumangoy nang walang lingon
Lumangoy patungo sa kawalan, lumangoy tungo sa kamatayan.


A Translation of:

Fable of the Mermaid and the Drunks

All those men were there inside,
when she came in totally naked.
They had been drinking: they began to spit.
Newly come from the river, she knew nothing.
She was a mermaid who had lost her way.
The insults flowed down her gleaming flesh.
Obscenities drowned her golden breasts.
Not knowing tears, she did not weep tears.
Not knowing clothes, she did not have clothes.
They blackened her with burnt corks and cigarette stubs,
and rolled around laughing on the tavern floor.
She did not speak because she had no speech.
Her eyes were the colour of distant love,
her twin arms were made of white topaz.
Her lips moved, silent, in a coral light,
and suddenly she went out by that door.
Entering the river she was cleaned,
shining like a white stone in the rain,
and without looking back she swam again
swam towards emptiness, swam towards death.

Pablo Neruda

Taritz Geronimo Comments

Taritz Geronimo Popularity

Taritz Geronimo Popularity

Close
Error Success