Laila Gabanes


Balik Tanaw

Maraming panahon na sa atin ay nagdaan
At bigla kong naalala ang ating nakaraan
Naisip ko lahat at ako'y nanghinayang
Pinakawalan ko pala ay tunay na kaibigan

Nagsimula tayo sa isang sayawan,
Na nauwi sa matamis na pag-iibigan
Sa hirap at ginhawa, buo ang samahan
Lagi natin sinasambit ating pagmamahalan

[Report Error]