charlene morales


Surot Sa Turing - Poem by charlene morales

Di sinasadyang isang surot aking napansin
Na tila taglay nya'y mahikang itim
tunog nya'y nakakarindi at galaw nya nakakainis
Pilitin man ito'y di pansinin
Ngunit nilalang na ito'y may kakaibang galing
ang atake nito'y minsa'y di mo pansin
ugali nito'y parang linta
ang ikinabubuhay ay ang sumipsip ng dugo ng iba.
Ang sipag nya'y may kahalong pagkukunyari
kasipagan ibinabandera tila may oras din
pagsapit nang gabi katamaran nito'y umiiral din
at hilig nito'y gumawa ng ingay upang mapansin
di nya alintana ang dulot nito sa iba
ang tanging hangad lang nito'y mapabuti
At bigyan kasiyahan ang sarili nya.


Comments about Surot Sa Turing by charlene morales

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Tuesday, April 27, 2010



[Report Error]