Tunay Na Pilipino Poem by Geneen Meyers

Tunay Na Pilipino

Wala sa damit, wala sa mukha
Kundi nasa puso't gawa
Tunay na Pilipino masipag at matiyaga
Handang tumulong sa kanyang kapwa

Ang mga Pilipino,
Matapang at Matalino
Mapagmahal sa sariling bansa
Mabait at maaasahan ng iba

Mahilig sa mga pagkain
Matamis man o maasim
Inaalagaan ang kalikasan
Para sa ating kinabukasan

Tunay na Pilipino sa isip at gawa
Patuloy ito sa buhay na ginhawa
Mabait o masungit man
Nagmamahal parin sa sariling bayan

Mga batang mag-aaral
Hirap ang dinaranasan
Disiplina ang ipinapairal
Para sa magandang kinabukasan

Ako'y isang Pilipino, masipag at magiting
Kapag ako'y hamunin, lagot ay mararating
Tunay na Pilipino masarap maging
Masipag, matiyaga at matulungin



*This is for our group activity in Filipino class. To make a poem about the characteristics of a Pilipino.*

COMMENTS OF THE POEM

Phenomenal Woman

Geneen Meyers

Manila, Philippines
BEST POEMS
BEST POETS
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success