José Corazón de Jesús

(22 November 1896 – 26 May 1932 / Santa Maria, Bulacan / Philippines)

Ang Magandang Parol (The Beautiful Christmas Lantern) - Poem by José Corazón de Jesús

Isang papel itong ginawa ng lolo
may pula, may asul, may buntot sa dulo;
sa tuwing darating ang masayang Pasko
ang parol na ito'y makikita ninyo.

Sa aming bintana doon nakasabit
kung hipan ng hangi'y tatagi-tagilid,
at parang tao ring bago na ang bihis
at sinasalubong ang Paskong malamig.

Kung kami'y tutungo doon sa simbahan
ang parol ang aming siyang tagatanglaw,
at kung gabi namang malabo ang buwan
sa tapat ng parol doon ang laruan.

Kung aking hudyatin tanang kalaguyo,
mga kapwa bata ng pahat kong kuro,
ang aming hudyatan ay mapaghuhulo:
"Sa tapat ng lolo tayo maglalaro."

Kaya nang mamatay ang lolo kong yaon,
sa bawat paghihip ng amihang simoy,
iyang nakasabit na naiwang parol
nariyan ang diwa noong aming ingkong.

Nasa kanyang kulay ang magandang nasa,
nasa kanyang ilaw ang dakilang diwa,
parang sinasabi ng isang matanda:
"Kung wala man ako'y tanglawan ang bata."


Comments about Ang Magandang Parol (The Beautiful Christmas Lantern) by José Corazón de Jesús

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, May 16, 2012



[Report Error]