José Corazón de Jesús

(22 November 1896 – 26 May 1932 / Santa Maria, Bulacan / Philippines)

Sa Bilangguan ng Pag-ibig - Poem by José Corazón de Jesús

Isang tao ang mag-isang lumuluhang walang tigil

sa silong ng sakdal dilim na piitan ng Paggiliw;

Sa labi ay tumatakas ang mga ay! ng damdamin

at sa anyo'y tila mayr'ong nilalagok na hilahil.

Para niyang nakikitang siya'y ayaw nang lapitan

ng dalagang lumalayo sa tawag ng kanyang buhay.

Palibhasa, siya yata'y hinding-hindi nababagay

na umibig sa dalagang mayr'ong matang mapupungay.


Nagdaan ang mga araw. Ang bilanggo'y nagtitiis

sa pagtawag sa pangalan ng diwatang naglulupit

samantalang ang diwata'y patuloy sa di-pag-imik.

Ngunit sino kaya yaong naglulupit na diwata?

Walang salang iya'y ikaw, dalaga kong walang-awa

at ako ang bilanggo mong hanggang ngayo'y lumuluha.


Comments about Sa Bilangguan ng Pag-ibig by José Corazón de Jesús

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, May 16, 2012



[Report Error]