Malalim ang aking pagkakahimbing sa daloy ng iyong paghuni
Ika'y maya na kay ganda, kay inam, kay lambing...
Sumilong ako sa iyong mga pakpak, pinalamig, pinaginhawa
Ng huni mong kay ganda, kay inam, kay lambing
...
Nakayuko akong humaharap sa araw
Hindi ako tumitingin, laging nakatalungko
Sinasabayan ko ng lungkot sa aking mga mata ang bawat pagkakataon.
Nais kong lumiban sa mundo
...
Paalam Sa Hele
Malalim ang aking pagkakahimbing sa daloy ng iyong paghuni
Ika'y maya na kay ganda, kay inam, kay lambing...
Sumilong ako sa iyong mga pakpak, pinalamig, pinaginhawa
Ng huni mong kay ganda, kay inam, kay lambing
Lumipad ka sa malayong ilang, doon sa malayo, sa malayo
Kumuha ka ng lakas ng loob, humugot ng hangin na panawid
Humugot ng diwa, binangga ang mga lalamunan, sumabog
Ang iyong huni, lumabas sa mga labi, kay inam, kay lambing
Nahuli mo ang pusong uhaw sa pagsuyo, nangangatal na labi
Nahimay ang mahahapding sugat, natuklap, sumariwa
Napanatag ang loob sa liham ng paanyaya, halika, makinig…
Sa huni na kay ganda, kay inam, kay lambing
Sa hinuni mong kay ganda, kay inam, kay lambing
Sa nahuni mong kay ganda, kay inam, kay lambing
Ako'y hihimbing, sa ganda, sa inam, at sa lambing
Ako'y hihimbing, sa ganda, sa inam, at sa lambing