(Babala: ang susunod na tula ay pawang katuwaan lamang)
Minsan nakakabad trip lang talaga,
Kung kailan iyak na iyak na,
Gustong kumulong sa banyo-
Ito ay sarado..
Kung kailan gustong maghilamos,
Galit ‘di madama ng lubos,
Init ng ulo’y mawala,
Tubig din ay wala…
Kung kailan gustong mapag-isa,
Sa kwarto’y kumulong na,
Kung todo kandado pa,
Maraming nang-aabala…
At kung kailan gusto nang oo-han,
Ang matagal ka nang nililigawan,
May iba na pala s’yang tipo,
Pambihira talagang buhay ito…
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem