Ito ang aking mundo
mundo ng pag-ibig
mundo ng kapayapaan.
Dito sa aking mundo
maghagis ka man ng bato
ang maibabalik sa iyo ay tinapay
magdulot ka man ng luha
ang masisilayan mo ay ngiti
sapagkat dito sa aking mundo
walang puwang ang poot
walang puwang ang paghihiganti.
Aking munting pagpupunyagi
di mo man kilalanin
dito sa aking mundo'y
di mo matatagpuan ang himagsik
sapagkat kapayapaan
ang siyang namamahay
dito sa aking mundo
dito sa aking puso.
Ito ang aking mundo
mundo ng pag-ibig
mundo ng kapayapaan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem