Ang bayan ni Juan,
Perlas ng silangan
Payagpag ng yaman
Nasa lupa’t karagatan.
Halimuyak ng kapaligiran,
Nagbibigay katahimikan
Sa puso’t isipan
Ng bawat mamamayan.
Sa bayan ni Juan,
Pagkakaisa ang tanging daan
Sa magayot na laban
Nitong dagok ng hidwaan.
Sa bayan ni Juan,
Hatak ang kalinangan
Gaya ng bayanihan
Laban sa kadkad ng kasamaan.
Ngunit sa panahong nagdaan,
Nalinlang si Juan
Musmos na bayan
Ay unti – unting pinabayaan.
Kalandog ng karahasan,
Bumulusok sa bulwagan
Kaya ang pobreng Juan
Sagad ang kahirapan.
Ang matong Juan,
Maharot ang kaisipan
Sa mapanlinlang na lagusan
Lugso ng madilim na lulan.
Ningas ng kalooban,
Pagbabago ang sigaw ni Juan
Ngulintab ng pitagan
Lagablab ng bagong bayan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem