Marites C. Cayetano

Freshman - 518 Points (Philippines)

Ang Kalangitan Sa Araw Ng Huwebes Santo - Poem by Marites C. Cayetano

Huwebes Santo
sa kalangitan
na kung saan naruon ang Ama
hindi kaya, mga anghel man
ay balisa
katulad ng Anak
sa hardin ng Gethsemane
bago pa man dumating
ang anghel
na nagbigay ng lakas
sa Anak.

Huwebes Santo
sa kalangitan
hindi kaya, maging ang Ama
ay balisa
at nagnais din na baguhin
ang sarili niyang takda...

kamatayan ng Anak...

Sa buhay
na kaloob ng Anak
sino...
ang naging karapat-dapat?


Comments about Ang Kalangitan Sa Araw Ng Huwebes Santo by Marites C. Cayetano

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Thursday, April 5, 2012

Poem Edited: Friday, November 16, 2012


[Hata Bildir]