Kasabay ng paglakbay,
Gigintuing mga oras;
Naghahanap ng landas.
Sana magkatagpo,
Ating mundo;
At magkaisa sa pagsuyo.
Gaganda ang araw,
Mga tala sa langit;
Umiikot sa ating daigdig.
Bituin ang tanglaw,
Mga yapak ng pag-ibig;
Sa nagkaisang mga puso.
Ang tula ang musika,
Ginuguhit ka;
Larawan ng saya.
Masaya ang puso,
Puno ng pagsinta;
Liligaya pag kapiling ka.
Ang saya ay sa iyo,
Pag-ibig ang bumubuo;
Pagmamahal na tutuo.
(5/1/03.10: 50 a.m)
(Tagalog version of Joy)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem