Ayoko ng makita kapang muli.
Mula ng malaman kong,
Ipinagpalit mo lang pala ako;
Duon pa sa isang katulad nya?
Paulit-ulit nalang akong nasasaktan.
Naghihinagpis ang puso ko;
Nagtatampo sa ginawa mo.
Ikinatuwa mo pa ang kalukohan mo!
Para kang trumpo kung kumilos.
Daig mo pa ang politiko kung mangako;
Wala namang katuparan.
Puro lang salita ang alam mo!
(1/06/03. 6: 10 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem