Hindi pa man ako isinilang
Iyo nang alam ang aking ngalan
Sadyang yari na ang kapalaran
Noon hanggang na kinabukasan
Nangyari na nang ako'y maligaw
At ako'y napasuko sa tukso
Inakala ko'y naging panalo
Ngunit unti-unti nang natalo
Nang ako'y tuluyang nangamatay
Ako ay muli Mong binuhay -
Patuloy sa Iyong paggagabay
At lagi akong pinapabantay
Maliit lamang ang handog sa'yo
Patuloy ako ay magseserbisyo
At susundiin lagi ang loob mo
Maraming salamat po sa Inyo
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem