Duwelo Poem by Marites C. Cayetano

Duwelo

Halika sa plaza
at duo'y lakas nati'y sukatin.

Subukan mong sa lupa
ako'y iyong ilugmok
at mga kamay ko'y
sa iyo'y pataasin
nang ako'y di mo na marinig
sa pagsalungat
sa iyong mga kagustuhan.

Halika sa plaza
at sa duwelo
sa aki'y patunayan
na tunay ka ngang malakas
at makapangyarihan
higit sa akin.

Subalit, isang bagay lamang
ang nais kong iyong tandaan
kahit na ba sa lupa
ako'y iyong mailugmok
hangga't mga kamay ko'y
sa iyo'y di itinaas
huwag mong asahang
ikaw na nga ang nagwagi.

Halika sa plaza
at duo'y lakas nati'y sukatin...

Duwelo.

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success