Isa Kang Virus Poem by reina Lorenzo

Isa Kang Virus

07/13/05




Pinilit kong lumayo sa magulong mundo mo
Nag 1,2,3, nag escape hanggang sa di mo ko ma-search
Nagpalipat lipat ng folder, nag rename
Kulang na lang ay I-delet ang sarili ko.

Tama na, end na, full na ‘ko
I need some space
Hindi ko kailangan ang single space o
Double space
Gusto ko ng full space.

Hindi ka pa ba napapagod sa kakasunod
Para kang arrow, sunod ng sunod
Para kang paste, dikit ng dikit
O, ano ba talaga
Cut it off na,
Break ka naman!

I hide myself, nagbago ng kulay, nag rename
Ngunit hanep ka!
Para kang magnifying glass
Para kang browser
Kay bilis mo akong ma-find.

Nagmistula akong CPU ng buhay mo
At para kang diskette naka-insert
Papasok-pasok, palabas-labas
May paformat-format ka pang nalalaman.

I full screen mo man ang sarili mo
I scroll-up, scroll down mo pa
Mag rotate ka man
Isama mo man ang f4
Out ka pa rin
Sa puso ko, di kita ise-save at
Never kitang ipi-print
Hanggang recycle bin ka lang
Dahil sa buhay ko
Isa kang malaking virus..

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success