Kapatiran ang samahang ating isinasakatuparan
Kakayanin ang lahat upang mapabilang
Krisriano o Islam ay may kasunduan
Katibayang tayo’y may isang mundong ginagalawan
Ang sabi ng iba’y mahirap unawain
Ang dahilan bakit katawa’y kailangang pasakitin
Alam ng lahat kapatiran ay may tuntunin
Ang sakit na nararamdaman ang magbubuklod sa atin
Panghabang buhay na samahan ang ating sumpaan
Pinahihintulutan sumali maging sino o ano ka man
Pilipino o Kano walang inaayawan
Para kapatira’y iyong matagpuan kahit san ka man
Para lalo mong maunawaan iyong pakatandaan
Pakundangan sa bawat isa ay kailangan
Pagdamay sa problema ng isa ay obligasyon
Pagbubunyi sa tagumpay ng isa ay naaayon
Asahan sa kapatiran lagi kang paalalahanan
Ang pag-iwas sa masamang bisyo ay dapat lamang
Ang pag-aaral ay dapat isinasa alang-alang
At ang magandang kinabukasan ay pinaghahandaan
Nais kong inyong malaman at mahintindihan
Na ang aming samahan ay maipagmamalaki ko kaninoman
Nagkakasundo kami sa bawat misyong isinasakatuparan
Naninigurong ito’y walang idinudulot na kasamaan
Sana bawat myembro ay walang pagbabago
Sana nahihintindihan nila ang tunay na layunin ng samahang ito
Sana’y alisin sa isip ang pagganti sa natamong palo
Sana ang isipin nila kung paano ang samahan ay lumago
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem