wala akong magagawa kundi matulala
kahit na sa harap ko siya ay nakikita
at ano mang oras mamahalin ng iba
nang gusto nya at magmamahalan sila
hindi ko talaga mapipigilan
kung ako ay ayaw niyang paniwalaan
o kahit ganun pa man
ayaw niya akong pagbigyan
masakit at napakasakit sa aking kalooban
sa tuwing nakikita kong saya ay nariyan
malapit sa taong may angkin ng kanyang nagugustuhan
tanging yuko sa lupa at itago ang matang luhaan
bakit nga ba ang puso ay di maturuan
ng sino ang dapat mong paglaanan
ng panahon na di ka tatalikuran
at tanggapin pag-ibig na nararamdaman
lalong masakit tanggapin kung alam mo
na may pagkakataong mahal saiyo
ay umiiwas dahil sa isang tao
na talagang higit niyang gusto
subalit kung ganito man ang aking kapalaran
minsan ko na ring naiisipan
lahat ng bagay ay nawawalan ng kahulugan
kung ang nagugustuhan ay di mapanalunan
may celphone nga di ka naman tinetext
lalong masakit kung sadyang ayaw kang itext
eh ano pat my nuber ka nya
kung k ahit itext mo di nya rin binabasa
pero kahit ganito mahal pa rin kita
wala man akong maipagmamayabang pa
at least sa aking pagpanaw masasabi ko na
kahit masakit nakalimutan na rin kita.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem