Akala ko ganun lang yun
Akala ko madali lang sya
Pero mahirap pala
Ginawa ko naman ang alam kong tama...
Tama sa pag-aakalang makakabuti sa kanya
Bakit ka naman mag-aalala dun
Wala naman siyang kaluluwa...
Mga sambit ng aking mahal na ina
Sa pag-aakala na maiibsan ang lungkot
Ako'y nagimbal,
Ako'y natulala
Sa mga salitang di mo
Maiisip na masasabi niya yun...
Ngayon ako'y nagsisisi
Sa akala kong tama
Tama, na isang malaking krimen
Krimen na habambuhay kong pagdudusahan
Paalam sa iyo
Sa isang nilalalang na walang kaluluwa
Isang nilalalang di dapat bigyan ng halaga
Nilalang na nagugutom, umiiyak at tumatawa
Paalam sa iyo
Aking alagang aso
Sa aking krimeng
Habang buhay na tatatak sa iyo
Maski sa iyong kabilang buhay
Paalam sa iyo
Banlag, aking alagang aso...
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
a poem like this can be labeled as syntactically failed but deep in essence. the messages between the lines speak for themselves. not evry poet has the capabilty to write a superficial yet a fundamental literary work. well done deonny