Marites C. Cayetano

Freshman - 518 Points (Philippines)

Kung Pag-Ibig Mo'Y Naging Akin - Poem by Marites C. Cayetano

Kung pag-ibig mo'y naging akin
hindi ka sana lumuluha ngayon
dahil pag-ibig mo'y hindi akin
ako ma'y lumuluha ngayon.

Kung pag-ibig mo'y naging akin
pait ng luha'y di sana natikman
at sa tamis ng pag-ibig
sana tayo'y nalasing.

Kung pag-ibig mo'y naging akin
anong ligaya kaya ng aking buhay
kung pag-ibig mo'y naging akin...
kung pag-ibig mo'y naging akin lamang.


Comments about Kung Pag-Ibig Mo'Y Naging Akin by Marites C. Cayetano

There is no comment submitted by members..



Read this poem in other languages

This poem has not been translated into any other language yet.

I would like to translate this poem »

word flags

What do you think this poem is about?



Poem Submitted: Wednesday, January 23, 2013

Poem Edited: Wednesday, January 23, 2013


[Hata Bildir]