Kuwerdas Ng Panahon Poem by Jane Quijano

Kuwerdas Ng Panahon

Tumatakbo ang panahon
At umiikot ang mundo
Bawat saglit ng buhay
Ay naglalaho...

Ibig kong ungkatin
Ang nakalipas natin
Noong sariwa pa
Ang simoy ng hangin...

Bagong teknolohiya
Na idinulot ng agham at sining
may asensong dumating
Ngunit sa kalikasan ay salot din!

Mga buwayang nasa ilog
Sa lupa ay ganid
Matutulis na ngipin
Lahat ay kinakain!

Buwitre sa himpapawid
Na matalas ang mata
Sa mga sisiw na malaya
Dinadakma ng walang awa.

Hininga nitong masangsang
Parang ulap na magtitipon-tipon
Sa isang iglap ay sasabog
Sa kalawakan ay lason.

Hindi lamang langit
ang nagngangalit
Pati bato at putik sa lupa
Sumasama sa baha...

Sa lakas ng unos at galit
Rumaragasa itong kumikitil
Ng buhay, at galaw ng mundo
Siya rin ang pipigil.

Ito ang kuwerdas
Sa kamay ng orasan-
At malupit na hampas
Sa mukha ng sanglibutan!

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success