Di maiwasan ang magdamdam
Sa tuwing sumasagi sa isipan
Mga sakit na dulot ng nakaraan
Mga lunggating luha ang nagpapagaan
Ano nga ba ang pinagmulan ng aking kasawian
At ano ang naging dahilan ng sunod sunod na kabiguan
Hayaan mo’t aking ilalathala ang naging kapalaran
Narito ang aking kwento inyo nang tunghayan
Una ako’y umibig sa kapwa ko bata
Bumuo ng pangarap at nangakong magsasama hanggang pagtanda
Ngunit hindi pa kami lubos na nagdadalaga’t nagbibinata
Nagulat ako ng malaman siya ikakasal nasa iba
Pangalawa umibig ako sa lalaking sa akin ay nakatatanda
Sa pag aakalang sa karanasan siya’y sawa na
Subalit ako’y umasa lang sa isang bula
Pagkat natuklasan ko, siya’y nakabuntis at nakasal nang bigla
Pangatlo ako’y umibig na muli sa isang relihiyoso
Magkasundo kami sa lahat ng gawi kaya tiwala akong siya ay seryoso
Sinubuk ng aking kapatid at magulang kung pag ibig niya’y totoo
Hindi nakatiis, siya’y nagdesisyon sa ibang babae makipag taling puso
Kamakailan lang umibig na naman, akala’y iyon na ang panghuli
Sapagkat kami propesyonal na at kapwa handa ng magpatali
Datapwa’t gaya ng nagdaan, ako’y muli na namang napahikbi
Nang kumalat ang balita isang dalaga sa kanilang bahay ay umuwi
Siguro nama’y inyo ng naintindihan
Kung bakit puso ay humihiyaw sa sakit na nararamdaman
Anong sumpa o kamalasan ang nasa aking katauhan
Naitakda ba sa aking tadhana na lagi nalang masasaktan?
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem