'Ligaya Ko'y Sayo'ng Kasarinlan' Poem by robert john bayoneta

'Ligaya Ko'y Sayo'ng Kasarinlan'

Rating: 5.0

Paalam sayo aking iniirog,
hayaan mo'ng pag-alis ko'y para sayo lamang.
Pag-ibig ko ma'y makalimutan,
basta't sayo'y kalayaan ang kamatayan.

Tanggapin mo ang handog ko sayo,
mga puting rosas ng pighati,
Na kahit anurin man ng mga kahapon,
basta't bukas mo'y pagbubunyi.

Iiwanan kita ng may kagalakan,
kapalit man nito'y aking buhay.
Dahil pag-ibig ko sayo'y tunay,
na ang ligaya ay sa kasarinlan.

Thursday, January 28, 2016
Topic(s) of this poem: freedom
POET'S NOTES ABOUT THE POEM
I was watching a movie 'Heneral Luna' and i'm so inspired by the movie that i decided to make a poem from it. Honestly, spark just came in.
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success