(Philippines)

What do you think this poem is about?

Lilipas Din

Katulad ng ulan
o malakas na bagyo
kung ang buhay mo ngayon
ay tila kaybigat dalhin
huwag kang mag-alala
at ang lahat
ay lilipas din.

Ang lahat...
ay lilipas din
minsa'y subukan mong
pagmasdan ang mga ulap
hindi ba't wala ni isa man
ang hindi naglalaho.

Kaya't kaibigan
sige lang lumuha ka
at kahit iyong pagluha
ay tiyak...
na lilipas din.

Submitted: Thursday, February 28, 2013
Edited: Thursday, February 28, 2013


Comments about this poem (Lilipas Din by Marites C. Cayetano )

Enter the verification code :

There is no comment submitted by members..
[Hata Bildir]