Noong una kang makita'y luha'y umaagos
ang iyong mga luha'y sa mata'y umaanod
sa aking damdami'y sumuot tumagos
ang basag mong boses ang tinig mong paos
Ang iyong pighati pilit kong wawakasan
iaalay ang bituin susukitin ang buwan
hahawiin ang alon sa karagatan
sisindihan ang liwanag sa karimlan
Sa isang iglap nawala ang lahat
naglahong lahat aking mga pangarap
umulan ng luha mula sa alapaap
sa iyong paglisan nagdurusang ganap
O irog ko bakit mo iniwanan
sa gitna ng lamig ng iyong paglisan
pagluha ko'y nilagom an ng ginaw
dulot ng iyong maagang pagpanaw
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
amazing.... that's all i can say..