Pagabi na naman,
maghapon na akong nakadungaw sa bintana,
bagot na nagmasid
at taimtim na nag-abang
sa pagtila ng animo'y walang patdang pag-ulan.
Mapipilitan akong mahiga
nang may kirot na kinikimkim
dahil bawat patak ng ulan sa bubong
lumalagos na parang karayom
sa aking nalulunod na kaibuturan.
Paulit-ulit na nagpapaalala
na ako ay luhaan.
Dahil ako ay bigo-
matutulog, ngunit gising, nang hindi nasisilayan
ang liwanag ng buwan.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
this is short yet full emotion jose.. keep on writing =)