Mapalad Ako Poem by Marites C. Cayetano

Mapalad Ako

Huwag kang susuko
kahit na ba sa tingin mo'y
walang nangyayari sa iyong buhay
kahit na anong sikap ang gawin.

Hayaan mo lang dumaan ang mga araw
isang umaga'y magigising ka rin
na nagsasabi sa iyong sariling
' Mapalad Ako.'

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success