Aking preciosa,
Ligaya sa tuwina
Tunay na dalangin
dininig pa mandin
Isang babae, tunay na akin
Hirap ay 'di pansin
Sa iyong pagdating,
Tunay na ligaya aking nadarama
Kawangis ka ng iyong ama
Kanyang mata ay tunay na nasa iyo na
Subalit ang iyong kulay
Ay sa akin minana
Sana naman, pati aking kabaitan
iyong sinambot
Upang sa ganoon
Sa iyong paglaki
tunay kang maipagmamalaki
April 06,1998
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem