Sa tuwing ika'y ngumingiti
naglalaho aking pighati
ramdam ay luwalhati
sa isang sakit ay masidhi
Tuwing umagang sisimulan
at ngiti mo'y masisilayan
buong araw ay makulay
sigla ko'y walang humpay
Tulad ako ng isang leon
aking nasa'y di matunton
ngunit sa bawat ngiting mula sayo
aking bangis ay pinapaamo
Sa oras ng dalamhati
sa oras ng may tinik at hapdi
ang iyong mga ngiti
mga subyang ko'y hinahawi
Sa tuwing ako'y nasa baba
sa sarili'y walang tiwala
ang ngiti mong makikita
hatid saki'y pang-unawa
Ang iyong ngiti'y naging kamay
umaalalay sa isang pilay
sa isang bingi'y naging musika
sa isang bulag, naging mata
Iniaalay sa aking butihing guro
(Ms. Tine Castro)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
I know you're teacher would be glad reading this poem. You're such a sweet student... God bless!