Paalam na kahapon
kay layo na pala ng noon
‘Di ko na inakalang
Darating ang umagang ito
Parang kanina lamang
Nung tayo ay mga batang
Walang kinatatakutan
Sa bukas ay walang pakialam
Iwanan man kita
Nakaukit ka na sa puso ko
Malilimot ba kita
Nakaukit ka na sa puso ko
Paalam na kahapon
Kailangan na ako ng ngayon
Alaala mo’y ikakahon
Ngunit kailan ma’y hindi kayang itapon
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem