Hindi ko inaakala, na ika'y lilisan
Sumpa mo noon, na di ako iiwan
Iyo pa ngang sambit, ako'y aalagaan
Ngunit ngayon sinta, Ikaw ba'y na saan?
Ang Iyong pangako'y aking pang hahawakan
Walang bahid ng dudang, pinapaniwaan
ngunit ngayon sinta, nag laho nang tuluyan
Oh aking mahal! Ikaw ba'y na saan?
Pag suko kong ito'y wag sanang masamain
ito'y di para sa 'kin kundi para sa 'tin
Pag lisan ko sinta'y wag nang damdamin
at nasaan man ako'y huwag na ring hanapin
tahan na aking mahal, matulog ng mahimbing
at sa iyong pag tulog, ako'y mag babalik para ka'y yakapin...
dusa mo't pighati ay akin nang susupilin!
kukunin ang iyong buhay, marahan kang kikitilin.
Mahal kita!
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem