Pagtatanung Poem by Minerva Agriam

Pagtatanung

Kailan lang kita nakikilala
Ngunit sa isipan ko'y
Di ka na maaring mawala;
Anino ba kita?

Bakit ikasasaya ng puso
Ang makita ka kahit saglit;
Di ka naman maaring isama
Sa mundo kong mapaghusga?

Bakut kailangang magtiis
Kung ang mga puso ay nagmamahal;
Bakit di tuparin ang padsinta
Na di na maaring ibalik kailan man?

Nakit di sagutin ang mga pagtatanung
Para ang puso't isipa'y di na
Kailan man magtatanung;
Para wala nang pagtatanung?

Magulo ba ang mundo;
Wala na ba itong katapusan;
At ang puso't isipa'y
Punong puno ng pagtatanung?


(4/24/03. 2: 55 p.m)

Sunday, December 4, 2016
Topic(s) of this poem: emotions
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Minerva Agriam

Minerva Agriam

Dumingag, Zamboanga del Sur
Close
Error Success