Sa bawat paglalakbay marami kang nakikilala
Sa bawat pagkakataon meron lungkot at ligaya
May ilan na dadaan para bigyan ka ng halaga
Mayroon din naman dumaan para lang saktan ka
Kung hahanapin mo sila di mo sila makikita
Kung aantayin mo sila minsan darating ay huli na
Kapag nakita mo na malalaman mo di pala sya
Kapag nasaktan ka ang maririnig ganun talaga
Kahit pagod ka pa, kailangan tumayo't gumising
Kahit di pa dapat gagawin mo na rin
Dahil alam mo na ang pagsisi sa huli dumadating
Dahil alam mo rin na ang panahon isang beses lang kung dumating
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem