Walang sapat na paghahanda
walang sapat na pagsasanay
walang sapat na pagsusuri
digmaan ay isinulong
maraming buhay
ay napunta sa dilim
mga hininga'y nagpang-abot
mga balat ay magkadikit
yakap yakap
ng malamig na rehas
at semento
maraming buhay
ay nasayang
mga huling paalam
di naisatinig
di narinig.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem