Malayo ka sa may kabilang banda,
Habang lahat ng bagay sakin ay lipas na.
M a l a y o ka pa sa may kabilang banda,
Ngunit nakauwi na ako, kahapon pa.
Walang layunin para ipaunawa
Masakit lang kasi marinig pa ang t a p o s na.
At para sa kahapon ko,
NASAAN na ba tayo?
Tukoy pa rin kasi ng lahat ng tao,
Ang kuwento mong lipas, tapos, nagwakas, putol, walang kadugtong.
Dugtong ng kahapon,
Iluluha ko nalang ngayon.
Kasabay ng pagdayo
Sa mundong pa liko-
liko
sa kung saan
-saang dako.
At kagagaling mo lang sa may kabilang banda,
Nang muli ay magpakilala ka.
Ang mga bagay na lipas na
Sa pagtitig sakin, yun lang ang nakikita.
Kung tutuusin, hindi ka pa tapos sa kaniya.
Pero ako ay nauubos na.
At sa tuwing binibilot mo saking mga kamay ang kahapon ko
Pauwi kong tinatangan ang mga ito kahit nakakapaso.
Lipas na.
Pero salamat dahil binubuhay mo pa.
Unti-unti ko uling nadadama ang pagkalas ng aking memorya.
Dahil nasasaktan lang
Sa bagay na lipas na.
Habang ikaw ay nagmumukmok sa may kabilang banda.
Nakasimangot sakin ang mga tala,
Tinatanong ko kasi sila kung asan ka.
Bakit di raw kita sunduin,
Sabay banat din naman sakin,
Wala raw akong l u g a r sa kabilang banda.
Hinahanap ko ang iyong mga mata
Sinisipat ka para lumapag sa’yong balikat
Ang diwang puno ng yamot at dusa,
Pero malayo ka na pala sa may kabilang banda.
Lumayo ka na pala ulit sa may kabilang banda.
Ngingiti pa rin ako kung sasaglit ka,
Kahit bumalik ka na pala sa may kabilang banda.
March 16,2008
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem