Salamat at iniwan mo ako
Natagpuan ko siya
Salamat at pinabayaan mo ako
Kinalinga niya ako
Salamat at binalewala mo ako
Pinanagutan niya ako
Salamat at sinaktan mo ako
Napalapit siya sa puso ko
Salamat at nilimot mo ako
Nawala karin sa puso ko
Salamat at nagkatagpo tayong muli
Napatunayan ko di ka dapat panghinayangan
Kaypalad ko pala ng di naging tayo
Salamat at namulat ako
Ikaw palay parang isang
Malalang sakit na dumapo sa puso ko
Salamat at nawala kana…
Salamat at naghilom na ang sakit ng puso ko
Salamat sa kanya
Salamat…salamat…salamat
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
what a flip of the coin of such events and you found the right one, good poem, but this can be much better if you can translate this in English so others can understand - nice concept