Pangarap ko na makita kang lagi
masilayan ang tamis ng iyong ngiti
kamay ko'y makadampi saiyong pisngi
kahit saglit lang ay masilip kang muli
wag ka sanang mabigla at lumayo
kung ako'y lumapit sa iyong pagkakatayo
nais ko lamang magparamdam saiyo
kahit pa puso mo'y laging nakatago
malayo man ang iyong damdamin
may nananatili man saiyong piling
puso ko'y laging maghihintay parin
hangang sa ang paligid ay baguhin ng hangin
kung ito'y kalokuhan sa iyong tingin
hiling ko lamang sana'y patawarin
pagkat ang puso mahirap pasunurin
di maturuan sa pag-ibig-aralin
(madero/23august2011naga)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem