Kahit masasaktan, di man
Para sa akin,
Pag-ibig sa puso ko, iibig
Parin ako.
Piliin kong magmahal,
Kahit mawalan;
Kaysa di kailan man
Makaranas magmahal;
Itong pusong tigang sa
Tutuong pagmamahal.
Ibigay man sa akin lahat
Na karangyaan,
Kung salat naman sa pag-ibig
Ang marangyang buhay;
Mas pipiliin kong maghirap
Magpakasakit at magtiis;
Maibigay lang ang nais
Nang pusong labis labis
At tutuong nagmamahal
Madalang nga lang.
(4/14/03. 6/45 p.m)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem