Ayaw na niyang umikot sa tsubibo ko
Samantalang
Siya lang naman ang nakasakay dito
Hindi na niya ko kinailangan pang angkinin
Dahit sapul sa simula
Ibinabalot ko na ang kaniyang mga hiling
Tutugunin pag pinagbigyan na ng mga bituin
Na wag na kaming panoorin hambambuhay
Magkasama nalang kami sa lahat
Lumulukso ng sabay
Ngayon
nakayuko ako sa nakabalot na regalo
nirerepaso kung paano ko pinaghandaan ang mga ito
wala na siyang espasyo
sa ilalim ng puno mo
uuwi ka diba sa pasko?
Hahanapin mo pa ba ako?
Bitbit ko pa rin kasi ang umaasang regalo mo.
July 22,2008
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem