Nasan ka ba
bakit nawala ka
patawad nga pala
ako ang lumayo sayo sinta
pero pinipilit ko man
di ko mapigilan
sadyang di ko magawa
na iwaksi ka sa isipan
hanggang ngayon
ako ay puno ng hamon
kahit dayain ko
ikaw pa rin ang nasa puso
ang sakit dahil wala ka na
wala na ang lahat pati munting pag-asa
ang galak na nakita
ay sadyang wala na
(madero/18august2011naga)
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem