Habang May Buhay Poem by Marites C. Cayetano

Habang May Buhay

Nakakita ng pag-asa
sa munting liwanag mong tangan
sabihin man nilang
ginagawa mo'y pagsasayang lang ng oras
eh, ano
basta ba sa puso mo't isip
ika'y di nagtataksil
aah, ang pakikipaglaban naman
ay sa mundong ibabaw lang nagagawa
habang may buhay.

Saturday, November 26, 2016
Topic(s) of this poem: hope
COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
Close
Error Success