Ako'Y Sadyang Bulag Poem by cris sison

cris sison

cris sison

North Road Daro Dumaguete City, Philippines

Ako'Y Sadyang Bulag

Ako sayo'y sadyang bulag
puso ko'y iyong nabihag
kahit iba ang iniibig
ako sayo'y umiibig

kahit di mo pansinin
ako'y nandirito parin
naghihintay na mapansin
nang manhid mong damdamin

bakit umiibig sayo
kung puso ko'y nagdurugo
pati ang sakit na dulot nito
ang siyang natamo

na kahit kunting pagtingin
maibigay mo sa akin
mararamdaman ko rin
na ako'y minamahal mo rin

COMMENTS OF THE POEM
READ THIS POEM IN OTHER LANGUAGES
cris sison

cris sison

North Road Daro Dumaguete City, Philippines
Close
Error Success