Aawitan ko ang bawat tag-araw, tag-lagas at tag-ulan,
Aaliwin ko ang aking sarili sa piling ng araw, bituin at buwan.
Hangga’t wala ka’y saglit akong makikipag-awitan sa mga bulaklak sa halamanan.
Pipitasin ko sa mga rosas ng mga masasayang alaala,
Ibubugkos ko ang mga taludtod ng aking pangungulila,
Puputulin ko ang mga tinik pagkat sa piling ko’y wala ka na,
Nang di na masugatan ang aking daliring wala pang kuko,
Sa aking balat at palad na punong - puno ng kalyo,
At ang pagdaloy ng dugo’y di na umabot pa sa ‘king siko’t braso.
Titipunin ko ang mga rosas hangga’t sa ‘king alaala sila’y malanta,
Hahayaan ko ang talulot nila’y mahulog’t malagas isa-isa,
Gagawin ko iyong palaman sa mga letra ng aking gagawing tula,
Akin ‘kong isasalansan ang bawat kulay’t hugis ng mga talulot,
Iipunin ko sa aking mga tula upang di maluma’t malukot,
Upang sa bawat pahina ang alaala mo’y di malimot-limot.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem
Ang galing mo bro....how i wish im fluent in my own tounge.....bro, gagawa tayo ng grupo ng mga makata....ano kaya? na add na kta sa friendster......