Ang buhay sa mundo ay sadyang ganito
Labis ang pagsubok, sa pasakit ay puno
Subalit sa kahirapan ma’y
Huwag kaagad sumuko
Tingnan mo ang Kristong nakapako
Para sa atin, ang krus
Ay Kanyang inako
Hampas ng latigo
Sa katawan Niya’y dumapo
Sa mga kaaway ay
Insulto ang Kanyang natamo.
Ngunit nang dahil sa pag-ibig
Na dulot Niya sa tao,
Hindi Siya sumuko
Kahit sariling buhay
Ay Kanyang isinakripisyo.
This poem has not been translated into any other language yet.
I would like to translate this poem